Matthew 10:34-36

Ang Pagkakahati-hati ng Sambahayan Dahil kay Cristo

(Luc. 12:51-53; 14:26-27)

34“Huwag ninyong isipin na naparito ako sa lupa upang magkaroon nang maayos na relasyon ang mga tao. Naparito ako upang magkaroon sila ng hidwaan.
upang magkaroon sila ng hidwaan: sa literal upang magdala ng espada.
35Dahil sa akin, kokontrahin ng anak na lalaki ang kanyang ama, at kokontrahin ng anak na babae ang kanyang ina. Ganoon din ang gagawin ng manugang na babae sa kanyang biyenang babae. 36Ang magiging kaaway ng isang tao ay ang sarili niyang sambahayan.
Micas 7:6.


Copyright information for TglASD